Prof. Alvin Ang, Ateneo Center for Economic Research and Dev’t, sa panukalang Maharlika Investment fund: Ako naman, kung tutuusin ito ay maganda. Ang objective nito ay upang matulungan ang bayan makaipon. Savings iyan in the future na magagamit. LIVE: fb.watch/heM5Ih5pJF/
Ang: Kaya lang, ang tanong lang saan ka kukuha ng savings? Kasi sa ibang bansa, gumagawa sila ng ganiyan sovereign wealth fund. Meron silang sobra [na pera]. #Balansyado #SamaSamaTayoPilipino LIVE: fb.watch/heM5Ih5pJF/
Ang: Halimbawa, ‘yung Middle East countries, ‘yung surplus na kinikita nila [sa pagbebenta ng langis], pwede nilang itabi dahil hindi naman nila ginagamit. #Balansyado #SamaSamaTayoPilipino LIVE: fb.watch/heM5Ih5pJF/
Ang: 'Yung iba naman, katulad ng Singapore. Meron din silang surplus dahil they are trading hub in the world. ‘Yung mga sobra na hindi nila kailangan sa ngayon, itinatabi nila ngayon. #Balansyado #SamaSamaTayoPilipino LIVE: fb.watch/heM5Ih5pJF/
Ang: Ngayon sa Pilipinas, wala tayong ganoon. Wala tayong kinikita na sobra. Wala tayong savings na malaki na pwedeng sabihin natin kailangan. #Balansyado #SamaSamaTayoPilipino LIVE: fb.watch/heM5Ih5pJF/
Ang: May punto si [former] senator Bam Aquino. Kasi kung ikaw ay may utang tapos gusto mo mag-invest. Ano ang uunahin mo? Pag i-invest o magbabayad ka muna ng utang? Ayun ang simpleng explanation doon. #Balansyado #SamaSamaTayoPilipino LIVE: fb.watch/heM5Ih5pJF/
Ang: Kung kumikita ka nga, eh may utang ka naman. Eh may interest din ‘yon. Edi kinakain lang din ‘yung in-invest mo. Kailangan malaki ang kita ng investment mo…. Kailangan wala kang utang. #Balansyado #SamaSamaTayoPilipino LIVE: fb.watch/heM5Ih5pJF/
Ang: Hindi ako against the fund per se pero ayun ba ang mahalaga ngayon? Unahin ba natin ‘yon? Tama ba ang timing natin ngayon? At saka ‘yung legal issues, dapat masagot lahat ‘yon bago mo gagawin ‘yon. #Balansyado #SamaSamaTayoPilipino LIVE: fb.watch/heM5Ih5pJF/